Hay...salamat..tapos na rin ang aming graduation...katatapos lang kahapon..March 31,2007...at naging successful naman ito..buti nga eh...pero...talagang kinabahan ako...pero...ok lang un...naging ok naman eh...
Masaya na ko dahil nakuha ko narin ang aking diploma-isa sa pinakamahalagang bagay na natanggap ko...At nakuha ko Ito kasama ang aking Ina...na siyang gumabay sakin para marating ang aking pagtatapos...pero nakakalungkot din..dahil hindi nasaksihan ng aking mahal na Ama ang mahalagang okasyon ng aking buhay...
Tapos na nga ang buhay elementarya..pero hindi pa dito nagtatapos ang paglalakbay ko sa buhay estudyante...maron pang highscool, at college...kaya mahirap talaga ang buhay estudyante..pero masaya..dahil may makikilala kang mga kaibigan...at guro...at marami ka pang matututunan...
pero..alam niyo ba ...nalulungkot rin ako...dahil sa araw ng aking pagtatapos ay Ito na rin ang huling araw na makikita ko ang Iba konh mga kaibigan...dahil ang Iba ay lilipat ng school..at ang Iba naman ay pupunta sa Ibang bansa at pansamantalang maninirahan...kaya, nakakalungot...=(
mahirap talaga kapag magkakalayo ang magkakaibigan...kasi para kang maiiyak..dahil sa mga memories...sa mga moments...na magkakasama kayo...hind un pwede makalimutan basta-basta...dahil mahirap kalimutan ang masayang araw at oras ng buhay mo...
Nalulungkot din ako..dahil ang Iba kong mga naging classmates mula prep hanggang ngayon...ay hindi ko narin makikita...lalo na ung naging malapit sa akin at sa aking puso...talagang mahirap makalimot ng isang taong naging malapit sayo diba??....
Isa rin sa mga dahilan kung bakit ako nalulungkot ay dahil...magkakalayo rin ako sa Iba kong naging mga guro...hindi ko malilimutan ang mag moments na nagtuturo ng Ibat-ibang subjects ang Ibat-ibang guro...Lalo na ung naging paarang tunay na magulang na natin..diba??....At ung Mga parang naging kaibigan anrin natin...Mahirap talaga..mahirap...
Sa huling pagkakataon..gusto ko lang sabihin sa mga makakalayo ko na MAHAL na MAHAL ko talaga kayo...hinding hindi ko kayo malilimutan..promise...